Ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Cuenca, Batangas ang pagpaparehistro at paggamit ng plaka para sa mga e-bike upang mas madaling matukoy ang mga may-ari at mapalakas ang disiplina sa kalsada. Ayon kay Teofilo M. Cuevas ng Traffic Management Group (TMG), nagkakahalaga ng ₱150 kada taon ang pagpaparehistro.

Inaprubahan ang ordinansa ni Vice Mayor Nene Pantas at ng Sangguniang Bayan sa suporta ni Mayor Alex Magpantay. Itatala rin ng TMG at pulisya ang mga pangalan ng mga rehistradong may-ari bilang bahagi ng hakbang para sa mas maayos at ligtas na paggamit ng mga e-bike sa bayan.
Source: Batangas News