Mahigit 30 ahensya ng pamahalaan ang naghatid ng iba’t ibang serbisyo at tulong sa publiko sa pamamagitan ng LegisHear: Bawat Batas Mahalaga sa Calamba Elementary School noong Oktubre 9 hanggang 10.

Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga mamamayan ang libreng bitamina mula sa Department of Health (DOH), aplikasyon sa YAKAP Program ng PhilHealth, onboarding ng 1,506 benepisyaryo ng TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE), at payout para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nag-alok din ang National Bureau of Investigation (NBI) ng libreng NBI clearance para sa 1,000 aplikante.

Nagpasalamat ang mga residente sa mas mabilis na transaksyon at mas madaling pag-access sa mga serbisyo ng pamahalaan, kabilang ang mga tulong na makatutugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *