Isinusulong ng Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA ang paglikha ng mga posisyon para sa Information Officer sa mga lokal na pamahalaan bilang bahagi ng mga panukalang pagbabago sa Local Government Code (LGC).

Inilahad ni PIA MIMAROPA Assistant Regional Head Luis T. Cueto ang mungkahi sa Regional Focus Group Discussion on the Proposed Amendments to the Local Government Code na ginanap noong Setyembre 23 sa Maynila. Pinangunahan ang talakayan hinggil sa pagpapahusay ng organizational structures at governance efficiency ni Dr. Alex B. Brillantes Jr., Professor Emeritus ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP NCPAG).

Ayon kay Cueto, batay sa karanasan ng PIA MIMAROPA sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU, marami pa ring munisipalidad ang walang nakatalagang Information Officer. Dahil dito, nagiging hamon ang pagtukoy at pakikipag-ugnayan sa tamang government communicator, habang ang ilang municipal administrator, municipal civil registrar at iba pang kawani ay naatasang gumanap ng information functions bukod sa kanilang regular na tungkulin.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *