Isang 78-anyos na negosyante ang sugatan matapos umanong barilin sa mukha ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Sinipian, Sta. Teresita, Batangas.

Batay sa paunang imbestigasyon, nasa harap ng kaniyang bahay ang biktima nang hablutin umano ng mga suspek ang suot niyang gintong kuwintas. Matapos nito, binaril umano siya sa mukha bago tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Agad na isinugod sa ospital ang biktima at kalaunan ay inilipat sa Balayan para sa kaukulang operasyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek. Sinusuri na rin ng mga awtoridad ang mga CCTV footage sa lugar at nakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagtukoy sa plaka at pagkakakilanlan ng motorsiklong ginamit sa pagtakas.

Source: Batangas News Today

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *