Patuloy ang pagsasagawa ng drainage improvement project sa Palico-Balayan-Batangas Road o Lawas sa Batangas City bilang bahagi ng mga hakbang upang matugunan ang problema sa pagbaha sa lugar. Inaasahang matatapos ang proyekto pagsapit ng Disyembre 2026.
Kasunod nito, nakatakda ring simulan ang drainage project sa Manila-Batangas Pier Road, kabilang ang ilang bahagi ng DJPMM Access Road at Rizal Avenue. Layunin ng mga proyekto na mapabuti ang daloy ng tubig-ulan at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa mga apektadong lugar.
Isinusulong din ang pagtatayo ng outfall sa Calumpang River na magsisilbing bahagi ng drainage system. Tinatayang aabutin ng 10 buwan ang konstruksyon dahil sa komplikadong mga gawaing kinakailangan upang maisakatuparan ang proyekto.