Sinaliksik ng mga coconut entrepreneurs sa MIMAROPA ang mga bagong pamamaraan upang mapataas ang halaga ng mga produktong mula sa niyog at makatulong sa pagpapalago ng kanilang kita sa isinagawang tatlong araw na industry forum sa lungsod na ito.
Lumahok sa 3rd Coco Colloquium and Techno Forum ang mahigit 40 micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon. Isinagawa ang aktibidad ng Department of Trade and Industry (DTI) MIMAROPA bilang bahagi ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).
Tinalakay sa forum ang mga teknolohiya, inobasyon at oportunidad sa pagproseso ng niyog upang makalikha ng mga produktong may mas mataas na halaga at mas malaking oportunidad sa merkado para sa mga negosyante at coconut farmers sa rehiyon.
Source: PIA MIMAROPA