Dalawa ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos salpukin ng isang modern public utility vehicle (PUV) ang isang tricycle sa Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas.

Batay sa ulat ng pulisya, nakahinto umano ang tricycle sa gilid ng provincial road habang nagsasakay ng pasahero nang mabangga ito ng paparating na modern PUV. Dahil sa lakas ng banggaan, nasawi ang driver ng tricycle at isang 54-anyos na pasahero.

Samantala, isinugod sa ospital ang tatlo pang sakay ng tricycle para sa agarang lunas. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng modern PUV at nahaharap sa kaukulang mga kaso kaugnay ng pagkamatay, pagkakasugat ng mga biktima, at pagkasira ng ari-arian.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *