Umabot sa “very unhealthy” level ang air quality sa Puerto Princesa City dahil sa transboundary haze mula Indonesia, ayon sa monitoring ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Batay sa tala ng EMB alas-8 ng umaga nitong Miyerkules, Setyembre 2, umabot sa 228 ang Air Quality Index (AQI) para sa airborne particulate matter na PM2.5, habang nasa 64 AQI naman ang PM10. Ang AQI na 228 ay nasa “very unhealthy” na kategorya, kung saan maaaring makaranas ang lahat ng mas malalang epekto sa kalusugan.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang matagal na pananatili o pagsasagawa ng mga aktibidad sa labas, lalo na habang nananatiling mataas ang antas ng polusyon sa hangin.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *