Kabuuang 109 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Marinduque ang tumanggap ng indibidwal na e-titles, habang ₱3.15 milyon halaga ng utang ng 88 ARBs ang pinatawad sa ilalim ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCROM).
Isinagawa ang seremonya noong Hulyo 29 sa MARELCO Center for Interactive Learning Center sa Barangay Ihatub, Boac. Ang mga e-titles ay ipinamahagi sa mga benepisyaryo mula Boac, Mogpog, at Torrijos sa ilalim ng SPLIT Project, na sumasaklaw sa 76.1516 ektarya ng lupang agrikultural.

Samantala, namahagi rin ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng ₱706,000 halaga ng farm machineries, equipment, at farm inputs sa dalawang kooperatiba sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP), na direktang makikinabang ang 50 ARBs.
Ayon sa DAR, ang mga programa ay naglalayong palakasin ang seguridad sa pagmamay-ari ng lupa, bawasan ang gastusin sa produksyon, pataasin ang ani, at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at kanilang pamilya.
Source: PIA MIMAROPA