Tumanggap ang limang lalawigan sa MIMAROPA, kabilang ang Romblon, ng tig-dalawang Patient Transport Vehicles (PTVs) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP), bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.

Personal na tinanggap ng mga gobernador at gobernadora ng bawat lalawigan ang mga sasakyan sa isinagawang turnover ceremony sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong, na pinangunahan ni Melquiades Robles. Dumalo rin sa programa sina Felix B. Reyes, Imelda Papin, at Jennifer Guevara.

Layunin ng Medical Transport Vehicle Donation Program na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng agarang serbisyong pangkalusugan at ligtas na transportasyon para sa mga pasyente, lalo na sa mga komunidad na may limitadong akses sa mga pasilidad medikal. Inaasahang makatutulong ang mga bagong PTV sa mas mabilis na pagresponde sa mga emerhensiya at pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyong medikal sa iba’t ibang bahagi ng MIMAROPA.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *