Patuloy na pinalalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga programang naglalayong matiyak na walang batang Pilipino ang magugutom. Sa pamamagitan ng Walang Gutom Program, nakatatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng ₱3,000 buwanang food credits na maaaring gamitin sa pagbili ng masustansiyang pagkain mula sa mga akreditadong tindahan.

Ayon sa DSWD Occidental Mindoro, mahalaga ang sapat na nutrisyon upang masuportahan ang tamang paglaki, pagkatuto, at kalusugan ng mga bata. Bukod sa food assistance, iniuugnay rin ang mga benepisyaryo sa mga programang pangkabuhayan, pagsasanay sa kasanayan, at iba pang serbisyong makatutulong upang maging mas matatag at self-reliant ang kanilang mga pamilya.

Patuloy ding nakikipagtulungan ang DSWD sa iba pang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan upang maisulong ang food security at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga pamilyang Pilipino, alinsunod sa layunin ng administrasyon na wakasan ang hindi kusang nararanasang gutom sa bansa.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *