Nagkaloob ang National Irrigation Administration (NIA) Cavite-Batangas Irrigation Management Office (CBIMO) ng ₱1,492,570.95 na Operations and Maintenance (O&M) subsidy sa 24 na Irrigators’ Association sa Cavite bilang paghahanda sa panahon ng tag-init.
Gagamitin ang subsidiya sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapanatili ng mga irrigation canal upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa mga sakahan. Isinagawa ang pamamahagi noong Hunyo 18 sa System Management Committee (SMC) Conference na pinangunahan ni Engr. Blue-Kevin Borreo, O&M Chief ng NIA CBIMO.
Nilagdaan din ng NIA at mga katuwang nitong organisasyon ang isang kasunduan upang mapabilis ang implementasyon ng mga proyektong pang-irigasyon at matiyak ang maaasahang serbisyo sa mga magsasaka.
Ayon sa NIA, inaasahang makatutulong ang subsidiya sa pagpapalakas ng produksyon ng agrikultura at pagpapanatili ng seguridad sa pagkain sa harap ng mga hamon ng tag-init at posibleng epekto ng El Niño.
Source: PIA CALABARZON