Inilunsad ng Commission on Higher Education (CHED) at UniFAST ang PBBM-GABAY ng Bayan Programs South Luzon Cluster Caravan sa Santa Rosa City, Laguna upang ilapit sa mga estudyante at pamilya ang mga scholarship at financial assistance ng pamahalaan.

Mahigit 3,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang target beneficiaries ang dumalo at nabigyan ng impormasyon tungkol sa Free Higher Education, Tertiary Education Subsidy (TES), Free TVET, at Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program.

Ayon sa CHED, layunin ng programa na mas maraming kabataang Pilipino, lalo na ang mula sa mga mahihirap at underserved na sektor, ang magkaroon ng pagkakataong makapagpatuloy sa kolehiyo at makamit ang mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng suporta ng pamahalaan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *