Ininspeksyon ni Vince Dizon ang ilang pampublikong ospital sa Laguna ngayong Abril 10, alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. na suriin ang kalagayan ng healthcare facilities sa mga probinsya.

Kasama si Sol Aragones, tinutukan ang matagal nang natenggang gusali ng Laguna Medical Center at ang lumang pasilidad ng Luisiana District Hospital.

Ayon kay Dizon, agad sisimulan ngayong taon ang rehabilitasyon at pagpapasinaya ng mga gusali upang matugunan ang kakulangan sa imprastrakturang pangkalusugan sa lalawigan.
Source: PIA CALABARZON