Magkakaroon ng nakatakdang power interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at mga probinsya ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal ngayong linggo, ayon sa Meralco.
Isasagawa ang maintenance works tulad ng line reconstruction at upgrading ng power facilities upang mapanatiling maayos, ligtas, at maaasahan ang serbisyo ng kuryente.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na alamin ang eksaktong iskedyul ng brownout at maghanda para sa pansamantalang pagkawala ng kuryente.
Source: Laguna Report News