Nanguna ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region, sa isinagawang Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA), sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) at sa pakikipagtulungan ng World Bank, sa Barangay Maangas, Presentacion, Camarines Sur mula Oktubre 7-9, 2025.

Layunin ng PRVA, bilang bahagi ng pilot testing ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP), na maisagawa ang komprehensibong pangangalap ng datos at mapping upang matukoy ang tunay na kalagayan ng nasabing komunidad.
Bukod dito, ito rin ay naglalayong tukuyin at suriin ang mga posibleng panganib, kahinaan, at kakayahan ng barangay para sa mas epektibong pagpaplano sa kaunlaran at katatagan ng komunidad.

Ang tatlong araw na aktibidad ay nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Council, Barangay Resilience Team (BResT), kinatawan ng Municipal Resilience Team (MResT), mga People’s Organization (POs), at Community-Based Organizations (CBOs) na aktibong nakibahagi sa barangay profiling, walkthrough, at mapping.
Source: DSWD Field Office V