Pormal na inilunsad nito lamang ika-3 ng Setyembre, 2025 sa Gym 1 ng Barangay Poblacion 2 Tanauan City, Batangas ang Barangay Day 2025 Basketball at Volleyball League, bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang Barangay Day.

Nagsimula ang programa sa isang makulay at masiglang parada na nilahukan ng iba’t ibang cluster mula sa iba’t ibang barangay.

Sinundan ito ng pagparada ng mga muse, pagsagawa ng Oath of Sportsmanship, at ang makasaysayang Torch Lighting bilang sagisag ng pagkakaisa at diwa ng palakasan.

Ang aktibidad ay simbolo ng kasiglahan ng kabataan, at diwa ng tunay na sportsmanship ng mga kalahok na sabik nang ipamalas ang kanilang husay at galing sa larangan ng palakasan.

Ang Barangay Day 2025 League ay hindi lamang isang paligsahan, kundi isang patunay ng pagkakaisa, talento, at diwa ng bayanihan ng bawat kabataang Tanaueño.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *