Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Angono, Rizal ang isang komprehensibong Housing Assistance Program, katuwang ang Administrative Office at Urban Settlement Development Office (USDO) sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo at pagbaha.
Bilang parte ng naturang aktibidad, nagsagawa ng “informative orientation” noong ika-6 ng Agosto, 2025 ang pamahalaan sa mga benepisyaryo para magbigay alam sa mga hakbang na kinakailangan.
Inaasahang mahigit 150 katao ang matutulungan ng nasabing programa na naglalayong mamamahagi ng konkretong materyales upang magbigay ng direktang tulong sa pagsasaayos ng kani-kanilang tahanan.
Bawat kwalipikadong pamilya ay may kani-kanilang ticket at stub na siyang magsisilbing susi upang makakuha ng mga materyales sa mga hardware na kasama sa programa na magsisimula ngayong darating na Agosto 11-19, 2025.
Hindi man madali ang pagbangon, ang bawat pako at kahoy na matatanggap ay simula ng panibagong tahanan at panibagong pag-asa.
Source: Angono PIO