Noong Hulyo 26, 2025, isang sunog ang sumiklab sa Zone 1, St. Jude St., Barangay San Felipe, Naga City, na ikinasira ng mga tahanan ng dalawang pamilya.

Apat na indibidwal, kabilang na ang isang Person with Disability (mute), ang nawalan ng tirahan.

Sa pamumuno ni Regional Director Norman Laurio, agad na rumesponde ang DSWD Bicol at naghatid ng tulong sa pamamagitan ng Family Food Packs, Hygiene Kits, Sleeping Kits, Kitchen Kits, at Laminated Sheets.

Bukod pa rito makakatanggap rin ang naturang mga pamilya ng pinansyal na tulong mula sa DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Bahagi ang programa sa patuloy na pagsisilbi ng DSWD Bicol sa mga nangangailangan ng agarang tulong at suporta partikular na ang mga biktima ng iba’t ibang sakuna sa rehiyon.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *