Naghatid ang DSWD Bicol ng karagdagang 277 family food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng militar at NPA sa Brgy. Candelaria, Uson, Masbate nito lamang Hulyo 25, 2025.

Dahil sa pansamantalang paghinto ng kabuhayan dulot ng insidente at mga nakaraang bagyo tulad ng Bagyong Dante at Emong, nagsilbing agarang tulong ito sa mga nangangailangan.

Kasabay nito, nagsagawa rin ang MSWDO Uson at DOH ng psychological first aid upang matugunan ang emosyonal na pangangailangan ng mga residente.

Patuloy pa rin ang DSWD Bicol sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng krisis at sakuna sa nasabing rehiyon.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *