Naghatid ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa Bulan Port, bayan ng Bulan, Sorsogon, sa pamamagitan ng pamamahagi ng Ready-to-Eat Food Boxes (RTEFs) kahapon, Hulyo 25, 2025.
Ang nasabing inisyatiba ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng LGU Bulan at sa suporta ng Philippine Ports Authority (PPA), na siyang katuwang sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektado.

Kaugnay nito, nagsagawa rin ang LGU Bulan ng pamamahagi ng hot meals bilang hapunan ng mga naapektuhang pamilya.
Karamihan sa mga LSIs ay pauwi sana sa kanilang mga tahanan sa mga bayan ng Ticao, Monreal, San Jacinto, at San Fernando, Masbate, subalit naantala dulot ng sama ng panahon na naging sanhi ng kanilang pagka-stranded ng halos dalawang araw.
Source: DSWD Field Office V