Matagumpay na naipamahagi ang kabuuang 1,250 Family Food Packs (FFPs) sa mga residente ng Sitio Tabuk, Barangay Buenavista, sa bayan ng Sablayan noong Hulyo 25, 2025.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal ng Sablayan (LGU), Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro (PGO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), mga opisyal at kawani ng barangay, at ng DSWD Municipal Action Team ng Sablayan.

Layunin ng aktibidad na ito na maiparating ang agarang tulong sa mga pamilyang nangangailangan, partikular na sa mga lugar na malalayo at higit na nangangailangan ng suporta. Ang mga food pack ay naglalaman ng mga pangunahing pagkain upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng mga ahensya ng gobyerno na maihatid ang serbisyong panlipunan at ayuda sa mga komunidad sa panahon ng pangangailangan.
Source: DSWS MIMAROPA Region