Noong Hulyo 24, 2025, matagumpay na isinagawa ang pagpupulong para sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng mga miyembro ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC), Incident Command System (ICS), at Emergency Operations Center (EOC). Layunin nitong paghandaan ang mga maaaring panganib na dulot ng paparating na Bagyong Emong, na higit pang pinatindi ng habagat.

Kasama sa nasabing pagpupulong at mga isinagawang aksyon ang Punzalan, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), mga Konsehal ng Bayan, kawani ng mga barangay, at mga kinatawan mula sa pribadong sektor. Sama-sama silang kumilos upang tiyakin ang maayos at ligtas na paglilikas ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa kani-kanilang lugar.
Bilang bahagi ng mga preventive measures, matagumpay ring naisagawa ang clearing operations sa tulay ng Calo-Maitim. Ang hakbang na ito ay malaki ang naitulong upang maiwasan ang pag-apaw ng ilog at mapigilan ang mas malawak pang pagbaha sa mga barangay sa kabayanan.
Patuloy ang pagtutok at pagtitiyak ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Bayeño. Malaki ang pasasalamat ng pamahalaan sa lahat ng sektor na naging katuwang sa mga isinagawang paghahanda at sa patuloy na kooperasyon ng ating mga kababayan.
Source: Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay FB Page