Nakatanggap ng food packs mula sa DSWD 5 ang tinatayang 490 pamilya na apektado ng baha sa bayan ng Bula, Camarines Sur nito lamang July 25, 2025.

Upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga apekatadong komunidad dahil sa Typhoon Emong, ang Department of Social Welfare and Development Field office – Bicol Region ay nagpadala ng mga Family Food Packs (FFPs) sa naturang mga pamilya na lubos na naapektuhan ng malubhang baha sa nasabing bayan.

Ang FFPs ay naglalaman ng mga food items tulad ng 6 Kilo ng Bigas, Canned Goods, at powdered drinks.

Ang Bula ay isa sa mga bayan sa buong rehiyon na lubos na apektado sa epekto ng malakas na pagulan at bagyo.

Samatala, ang DSWD Bicol, sa pamununo ni Regional Director Norman S. Laurio, ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para mas mapabilis ang pagpapadala ng agarang tulong sa mga lugar na lubos na napinsala ng kalamidad.

Source: DSWD Regional Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *