Noong Hulyo 16, 2025, tumanggap ng kabuuang Php 1,580,000 ang 200 na partner-beneficiaries, kabilang ang ilang kasapi ng Indigenous Peoples (IPs) community, sa isinagawang payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region sa ilalim ng Project LAWA at BINHI sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang mga benepisyaryo ay pawang mga pamilya ng mga magsasaka, mangingisda, IPs, at iba pang sektor na itinuturing na lubos na naapektuhan sa pabago-bagong klima, batay sa datos at pagsusuri ng kanilang Local Social Welfare and Development Office (LSWDO).

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas pinaigting na pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga isyung may kinalaman sa seguridad sa pagkain at pangkabuhayan ng mga Pilipino.

Sa pangunguna ni DSWD Secretary Rex T. Gatchalian at pamumuno ni DSWD Bicol Regional Director Norman S. Laurio, layunin ng Project LAWA at BINHI na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na magsasaka at bulnerableng sektor sa panahon ng tagtuyot sa pamamagitan ng tulong-pinansyal, pagsasanay, at suporta sa agrikultura.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *