Matagumpay na isinagawa ang Roll-Out Training para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) Information System – Household Convergence Scorecard (HCSC) sa mga bayan ng Calatrava at Corcuera sa Romblon nito lamang Hulyo 14–18, 2025.

Dinaluhan ito ng mga masigasig na Community Volunteer Workers (CVWs) at kanilang mga Supervisors, na nagsisilbing pangunahing katuwang ng pamahalaan sa pagsasagawa ng localized nutrition interventions. Sa pamamagitan ng training na ito, layunin ng PMNP na itaas ang antas ng kakayahan ng mga frontline workers sa paggamit ng HCSC Mobile Application — isang makabagong digital tool na tutulong sa maayos na pangangalap at pagsusuri ng datos mula sa mga kabahayang benepisyaryo.

Tinalakay sa limang araw na pagsasanay ang mga pangunahing proseso sa paggamit ng Household Convergence Scorecard, kabilang na ang digital data collection, data privacy and security, at ang tamang pamamahala at pagsusuri ng impormasyon. Ang mga CVWs at Supervisors ay sumailalim sa mga aktwal na demonstration, presentations, at simulation activities upang mapatibay ang kanilang kasanayan at kumpiyansa sa paggamit ng systemang ito.

Bukod sa teknikal na aspeto, binigyang-halaga rin sa pagsasanay ang papel ng mga tagapaglingkod sa komunidad bilang tulay ng mga serbisyo ng pamahalaan tungo sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta. Sa pamamagitan ng HCSC, masusuri kung ang mga pangunahing programa sa kalusugan, nutrisyon, edukasyon, at kabuhayan ay tunay na naipatutupad at nakararating sa mga target na kabahayan.

Ang pagsasanay na ito ay patunay na sa pagtutulungan ng pamahalaan, mga volunteer workers, at teknolohiya—maaaring makamit ang isang komunidad na mas malusog, mas matatag, at mas inklusibo.

Source: PDOHO Romblon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *