Sa temang “Food and Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”, matagumpay na isinagawa ang pagdiriwang ng Nutrition Month noong Hulyo 15, 2025 sa Naic Covered Court, Naic, Cavite.

Ang programang ito ay pinangunahan ng DOH-CALABARZON Nutrition and Breastfeeding Program, katuwang ang PDOHO Cavite at Lokal na Pamahalaan ng Naic. Ang layunin ng selebrasyon ay itaguyod ang seguridad sa pagkain, suportahan ang kabuhayan ng mga magsasaka, at paigtingin ang kamalayan ng bawat Pilipino sa kahalagahan ng masustansyang pagkain at tamang nutrisyon.

Iba’t ibang libreng serbisyong medikal at pangkalusugan ang handog sa mga mamamayan ng Naic tulad ng Nutrition Counseling, Maternal Care Services, Family Planning Services, Immunization (BCG, PCV, PENTA, MCV, OPV, Tetanus-Diphtheria, at Influenza Vaccine), Newborn Screening, Geriatric at Health Services para sa mga PWD, PhilPEN Risk Assessment.

Bukod dito, isinagawa rin ang urban gardening lecture at isang live cooking demonstration na nagtampok ng mga masustansyang pagkain gamit ang mga gulay at sangkap na abot-kaya at madaling itanim.

Ang pagdiriwang na ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Kagawaran ng Kalusugan upang maihatid ang ligtas, dekalidad, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino mula sa bukid, hanggang sa hapag-kainan.

Sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, tunay ngang ang kalusugan ay kayamanang dapat ipaglaban at pangalagaan ng bawat isa.

Source: Health Education and Promotion Unit – DOH CHD CALABARZON FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *