Isang daan at isang taon na puno ng karunungan, tapang, at saya, ito ang buhay ni Lola Teodula “Dulay” Pesigan mula Poblacion 5, Tanauan City na personal na binisita ni Mayor Sonny Collantes noong Hulyo 15, 2025.
Si Lola ay hinandugan ng cash incentiveng Pamahalaang Lungsod para sa mga centenarian.
Ibinahagi ni Lola Dulay ang kanyang sikreto sa mahabang buhay: pagiging positibo sa bawat hamon ng buhay at palagiang pag-aalaga sa sarili.
Ang kanyang ngiti at kwento ay patunay na ang edad ay hindi hadlang upang maging inspirasyon at simbolo ng pag-asa at lakas para sa bawat TanaueƱo.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga senior citizens, katuwang ang OSCA, upang mas mapalapit ang serbisyong may puso sa mga mamamayan.
Source: Tanauan CGTV