Isinagawa kahapon, Hulyo 15, 2025 ang Cash-for-Work (CFW) payout ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) para sa 803 magulang o tagapangalaga ng mga batang nasa elementarya mula sa 31 implementing elementary schools sa Libmanan, Camarines Sur.
Ang mga partner-beneficiaries ay nakatanggap ng kanilang CFW payout na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP 4,700 bawat isa, katumbas ng PHP 235 bawat araw ng kanilang pagdalo sa 20-araw na Nanay-Tatay Session na isinagawa mula Mayo 19 hanggang Hunyo 13, 2025.
Ang TBTP ay naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo at ng mga pamilyang may mababang kita sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng isang reformatted educational assistance program.
Sa ilalim nito, ang mga college students ay nagsisilbing Tutors at Youth Development Workers (YDW), katuwang ng mga magulang sa pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbabasa ng mga batang nahihirapan o hindi pa marunong magbasa, sa pamamagitan ng tutoring at mga Nanay-Tatay Session.
Source: DSWD Field Office V