Binawian ng buhay ang kinakasama ng isang lalaki matapos silang pagbabarilin sa Barangay Labog So. Española, Palawan nitong ika-27 ng Hunyo 2025.

Nakilala ang mga biktimang sina alyas “Jhong” at alyas “Gina”, kapwa residente ng Barangay Aramaywan, Narra, Palawan, samantalang ang suspek ay kilala sa alyas “Badon”, residente ng Barangay Saraza , Brooke’s Point Palawan.

Base sa spot report ng Española MPS, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Bernard F Dela Rosa, ilang mga residente ang nakarinig ng mga putok ng baril sa lugar na agad namang naipagbigay alam sa mga awtoridad.

Agad nagresponde ang mga kapulisan sa lugar para magsagawa ng imbestigasyon, kung saan buhay nilang nadatnan ang lalaking biktima na siyang nakakilala sa suspek na bumaril sa mga ito.

Agad naman siyang naitakbo sa pagamutan, habang binawian ng buhay ang live-in partner nitong babae.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Española MPS para sa agarang pagkakadakip ng suspek upang matukoy ang motibo nito sa krimen.

Source: Thunder News Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *