Matagumpay na naiturn-over ang isang Crested Goshawk sa Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) nito lamang ika-26 ng Hunyo, 2025.

Kinilala ang responsableng nagturn-over sa ibon na si Gng. Maria Fe A. Ocampo mula sa Purok Mahogany, Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan na personal naman na tinanggap ng MENRO na pinamumunuan ni EnP. Jenel Joy C. Torres.

Ito ay agad namang na naiturn-over sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa tamang disposisyon at wastong pangangalaga sa nanganganib na maubos na hayop.

Lubos ang pasasalamat ng MENRO at PCSD kay Gng. Ocampo sa kanyang maagap at responsableng hakbang para sa kaligtasan ng ating buhay-ilang. Bawat kilos ay mahalaga sa patuloy na pangangalaga ng kalikasan.

Source: Menro Rizal Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *