Matagumpay na isinagawa ang kapit-bisig sa tree-planting activity at clean-up drive kaugnay sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month na ginanap sa Palawan nito lamang ika-19 ng Hunyo 2025.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Mines and Geosciences Bureau Mimaropa Region, kung saan nakiisa ang Ipilan Nickel Corporation (INC) at dinaluhan din ng mga kawani mula sa pribado at pampublikong sektor.
Layunin nitong mapangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at paglilinis upang makatulong sa pag-iwas sa kalamidad at mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng komunidad.
Source: The Palawan Times