Ang Simbahang Bato o Kapilya ni San Gabriel Archangel ay isang natatanging simbahan na matatagpuan sa Barangay San Gabriel, Laurel, Batangas.

Bago pa man ito naging simbahan, ito ay isang kweba na itinururing na sagrado at kilala sa kanyang natural na kagandahan at espiritwal na kahalagahan.

Napapalibutan ito ng malalaking puno at halaman, at tanging mga ibon at ligaw na hayop lamang ang nakakapasok.

Ang naturang simbahan ay dinarayo ng mga deboto, lalo na tuwing Semana Santa, para magdasal at magmuni-muni sa tahimik at sagradong kapaligiran nito.

Source: Simbahang Bato Laurel Batangas FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *