Natagpuan ang isang naaagnas ng katawan ng lalaki na palutang lutang sa karagatang sakop ng Barangay Tigman Aborlan, Palawan bandang 10:00 ng umaga, nitong Enero 5, 2025.

Ang hindi pa nakikilalang bangkay na lalaki na nakasuot ng kulay Blue na long-sleeve shirt at itim ng jogging pants ay natagpuan ng isang mangingisda na agad namang inireport sa mga awtoridad para agad itong makuha.

Pansamantala, inilibing ang bangkay sa Tigman Cemetery, Barangay Tigman, upang mabigyan ito ng maayos na disposisyon habang hinihintay ang karagdagang imbestigasyon.

Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa sinumang may impormasyon na makatutulong sa pagkakakilanlan ng nasabing lalaki o may nawawalang kaanak upang lumapit sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Source: Thunder News Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *