Matagumpay na naisagawa ang ribbon-cutting at pagbubukas ng Verde Island Passage Marine Biodiversity Center (VIP-MBC) na pinangunahan ni Governor Hermilando Mandanas na ginanap sa Montemaria, Barangay Pagkilatan, Batangas City noong ika-7 ng Disyembre 2024.

Ito ay isang digital aquarium na matatagpuan sa ikaapat na palapag ng Tower of Peace.

Dumalo naman sa pagtitipon sina Department of Tourism (DOT) Undersecretary Shahlimar Tamano, DOT IV-A Regional Director Marites Castro, Batangas First Lady Atty. Angelica Chua- Mandanas, mga opisyal at department heads ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Chief of Staff at Provincial Information Officer Maria Isabel Bejasa, at mga miyembro ng Batangas Provincial Travel and Tours Association.

Layunin nitong maipakita at maipamalas ang isang immersive experience ng iba’t ibang visual wonders ng Verde Island Passage, ang tinaguriang “Center of the Center of the World’s Marine Biodiversity” na nasa baybayin ng Lalawigan ng Batangas.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *