Namahagi ang Municipal Agriculture Office ng Odiongan ng 184 bags ng inorganic fertilizer sa mga rehistradong magsasaka ng palay sa bayan, bilang bahagi ng programang pinondohan ng lokal na pamahalaan nito lamang ika-8 ng Disyembre 2024.
Ayon sa Odiongan Municipal Agriculture Office, ang mga magsasaka na naapektuhan ng Bagyong Kristine at ang mga pananim ang bibigyang prayoridad sa naturang pamamahagi.
Bagama’t limitado ang bilang ng mga pataba na magagamit para sa pamamahagi, tiniyak ng tanggapan na patuloy silang hahanap ng mga paraan upang maibigay ang kinakailangang tulong at suportahan ang mga magsasaka sa kanilang pagbangon at muling pagbabalik ng kanilang mga gawain sa pagsasaka.
Source: Romblon News Network