Pinasinayaan ang Php70-milyong halaga ng Camalig Command Center na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Camalig katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng pamumuno ni District Engineer Warren Azotea nitong Oktubre 1, 2024.

Binigyang-diin ni Camalig Mayor Caloy Baldo na ito ay unang yugto pa lamang at marami pang proyektong dapat gawin para ganap na makumpleto ang mga pasilidad na gagamitin bilang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Sa isang hiwalay na pahayag, pinuri ni Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Claudio Yucot ang nasabing inisyatiba, binanggit nito na ang lahat ng mga local government unit ay inaatasan na magtatag ng mga command center para sa pagtugon sa kalamidad.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Baldo kay Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda sa kanyang suporta sa proyekto.
Source: DZGBNewsOnline