Pormal na idinaos ang seremonya ng pagtatapos ng mga Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Quezon Convention Center sa Lucena City noong ika-23 ng Setyembre 2024.

Kasabay ng aktibidad ay ang pamamahagi ng ayuda para sa mga nagsipagtapos ng Caregiver NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Bread and Pastry NC II, Driving NC II, Agricultural Crop NC I, House Keeping NCII, Shelded Metal Arc Welding NC I, Shelded Metal Arc Welding NC II, Shelded Metal Arc Welding NC III na may kabuuang 234 na katao.

Layunin ng programang ito na magkaroon ng libreng skills training ang mamamayan natin upang magkaroon ng National Certificate (NC) na kanilang magagamit sa pagtatrabaho sa labas at loob ng bansa.

Patuloy pa rin ang TESDA sa pagbibigay serbisyong kaalaman upang magkaroon ng kakayahan ang mga mamamayan sa bansang Pilipinas.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *