Pormal na isinagawa ang Turnover Ceremony ng mga bagong Rescue Boat para sa bayan ng Mauban, San Andres, Guinayangan, at Alabat na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City noong ika-19 ng Setyembre 2024.
Ang seremonya ay pinangunahan nina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Head na si Dr. Melchor Avenilla Jr.

Nakiisa rin ang mga punong bayan na sina Mayor Ramil Arquiza ng Alabat, Mayor Ralph Lim ng San Andres, Mayora Maden Isaac ng Guinayangan, at Vice Mayor Alween Sardea ng Mauban.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa programang “Stand UPPPP Quezon”, Serbisyong Tunay at Natural ng NDRRM Una sa Pag-iwas, Paghahanda, Pagtugon, at Pagbangon” na naglalayon nang mas agarang pagresponde lalo na sa panahon ng La Niña sa lalawigan ng Quezon.
Source: Provincial Government of Quezon