Labis na pinsala na dulot ng Bagyong Carina sa Rehiyong Calabarzon, kaya iba’t ibang operasyon ang isinagawa sa mga apektadong probinsya, partikular sa bayan ng Angono, Rizal, kung saan 130 pamilya ang nailikas.
Personal na ipinamahagi ni Mayor Jeri Mae Calderon, kasama ang MSWD, DRRMO, General Services, Angono PNP, at Public Information Office, ang mga relief goods tulad ng bigas at de-latang pagkain, at naghandog din ng lugaw sa mga pamilyang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Ang mabilis na aksyon at malasakit ng pamahalaan ay isang patunay ng kanilang dedikasyon sa kapakanan ng mamamayan.
Sa panahon ng pagsubok, ang bayanihan at pagkakaisa ang nagsisilibing gabay tungo sa mas maayos na kinabukasan.

Ang mga operasyong ito ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa oras ng kalamidad o anumang sakuna.
Source: Angono PIO