Masiglang tinanggap ng 501 na miyembro ng Sweethearts Club sa Barangay Mateuna at Angeles Zone 1-4 ang libreng gamot hatid ng Sangguniang Panlungsod ng Tayabas, nito lamang ika-22 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama si Assistant City Health Officer Dr. Graciela D. De Leon ang pamimigay ng mga gamot, katulad ng maintenance medicines para sa diabetes at alta-presyon.

Kasabay sa nasabing aktibidad ay ang libreng nutrition/diet counselling at libreng lugaw hatid ng mga tauhan ng City Nutrition Section.
Samantala, ang mga tauhan ng OCM-MHMERT ay nagsagawa naman ng libreng konsulta, laboratory test, ECG, Chest Xray at Ultrasound.

Naging matagumpay ang aktibidad na may pangunahing layunin na makapagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan at makapagbigay ng dagdag kaalaman para makaiwas sa mga sakit.
Source: Tayabas – City Information and Community Relations Office (CICRO)