Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng 204 na laptop sa mga piling pampublikong guro sa Secondary Division ng Batangas na ginanap sa Kapitolyo ng Batangas City nito lamang ika-15 ng Hulyo 2024.

Ang nasabing mga laptop ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng Provincial School Board (PSB), alinsunod sa mga patuloy na programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, na nakatutok sa sektor ng edukasyon.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Governor DoDo Mandanas, Vice-Governor Mark Leviste at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Layunin ng proyekto na bigyang importansya ang mga pampublikong guro na patuloy na nagtataguyod ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan at makakatulong din ang mga ito sa wastong pagbabahagi ng mga aralin sa mga mag-aaral, sa mga silid-aralan man o online.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *