Matagumpay na naisakatuparan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa pamamagitan ng Municipal Agriculture and Veterinary Office ng Pamahalaang Bayan ng Angono na ginanap sa Waltermart, Taytay, Rizal noong ika-26 ng Hunyo 2024.

Personal na iniabot ng mga kawani ng DSWD ang naturang ayuda sa 500 na mga mangingisda, magsasaka at mga nasa transport sector mula sa Bayan ng Angono.
Naisakatuparan ang nasabing programa sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa tanggapan ni Rizal 1st District Representative Jack Duavit at Rizal Governor Nina Ricci Ynares.

Ang AKAP ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng Tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga benepisyaryo na makaraos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at maibsan ang suliranin sa kahirapan.
Source: Municipality of Angono, Rizal