Nagbigay ng 10,000 Bangus fingerlings ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Special Area for Agricultural Development (SAAD) sa Barangay Mactang, Capalonga, at Barangay Pulong Guitguit, Sta. Elena, Camarines Norte, nito lamang Hunyo 26, 2024.

Tulong ito ng ahensya sa mga mangingisda sa nasabing lugar upang mapanatili ang kanilang hanapbuhay na may layuning paunlarin ang aquaculture sector sa Camarines Norte.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga nasabing benepisyaro dahil malaking tulong ito hindi lamang para sa kanila kundi pati na rin sa kanilang pamilya.

Source: BFAR SAAD Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *