Naisakatuparan ang pamamahagi ng “Emergency Shelter Assistance” (ESA) Payout para sa mga mamamayan ng Islang Patnanungan na labis na naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Ang nasabing tulong ay mula sa Pamahalaang Panlalawigan na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) na ginanap noong ika-29 ng Mayo 2024.
Kabuuang 479 mula sa Poblacion area ng bayan ng Patnanungan ang naging benepisyaryo ng nasabing programa.

Naghandog din ng 2,000 boxes ng relief food packs ang tanggapan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian para sa mga nasalanta ng kalamidad.
Ito ay naglalayong matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong lubos na naapektuhan ng nasabing sakuna at bigyan ng pag-asa sa buhay.
Source: Provincial Government of Quezon