Matagumpay na isinagawa ang Project Pagbasa o turorial para sa mga bata sa West City Central School sa Cagayan de Oro City nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.
Mahigit 60 na mga studyante ang nakabenipisyo sa nasabing programa. Ang tutorial sa pagbabasa ay ginaganap tuwing Biyernes sa West City Central School kung saan ang mga ‘tutor’ ay mga boluntaryong iskolar ng lungsod.

Layunin ng ‘Project Pagbasa’ na ituro ang pagbasa sa mga kinilala bilang ‘struggling readers’ ng Department of Education.
Ito ay mahigpit na sinusuportahan ni Mayor Klarex Uy kasama ang mga guro ng West City Central School.
Ang pagbabasa ay isa sa pinakamabisang paraan upang magkaroon ng ugnayan ang bawat isa.
Ang ganitong programa ay may layuning mas turuan pa ang mga bata upang maging mas mahasa pa sa pagbasa.
Panulat ni Danessa Berdos