Namahagi ang City Health and Sanitation Department ng toilet bowl sa mga residente ng Barangay Gutad, Calapan City noong ika-17 ng Abril 2024.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Marilou Flores-Morillo, City Mayor, sa pamamagitan ng City Health and Sanitation Department sa ilalim ng pamumuno ni City Health Officer, Dr. Basilisa M. Llanto, at Sanitation Team Coordinator, STP Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco.

Kasama rin sa aktibidad si Ms. Charissa ‘ISAY’ Flores-Sy, kasama ang mga opisyal mula sa Sangguniang Barangay ng Gutad.

Bilang pagpapalakas ng antas ng kalinisan sa lungsod, ipinamahagi ang kabuuang limampu’t limang toilet bowl sa mga residente ng Barangay Gutad at pagbibigay kaalaman sa tamang pangangalaga sa kalusugan at kalinisan.

Kasama dito ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay at iba pang mahahalagang praktis para sa isang malinis na pamumuhay, dahil naniniwala ang City Health and Sanitation Department na ang malinis na kapaligiran ay mahalaga sa pag-iwas sa mga sakit at panganib.

Ang aktibidad ay hindi lamang nagbigay ng mga kagamitang pangkalinisan sa komunidad kundi nagbigay rin ng importansya sa edukasyon sa kalusugan upang maitaguyod ang mas malusog na pamumuhay sa komunidad.

Source: Tita Malou Flores-Morillo (Calapan City Mayor)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *