Tatlong daan at pitumpung (370) na mga estudayante ng Catanduanes State University (CatSU) ang dumalo sa ginanap na College Education Financial Assistance Program (CEFAP) Payout ng Catanduanes Government sa Provincial Convention Center nito lamang Abril 3, 2024.

Sa nasabing payout, tumanggap ang mga estudayante ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng Php2,000 para sa ikalawang semestre ng Academic Year 2023-2024.

Samantala, sa parehong araw ay natanggap ng CatSU stipend beneficiaries ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php10,000 sa pamamagitan ng kanilang mga ATM accounts.

Ayon kay CatSU Director for Student Scholarship, Financial Assistance, Career Development and Placement Services Gng. Gemma M. Samas, ang CEFAP ang kauna-unahang financial assistance program sa probinsiya na nagbigay ng financial assistance ngayong taon.

Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking batch ng mga benepisyaryo ng CEFAP mula sa CatSU, na umaabot ng 441 mag-aaral kabilang ang mga stipend beneficiaries.

Source: Radyo Pilipinas Virac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *