Ipinagdiwang ng bayan ng Magsaysay ang kanilang ika-55 na anibersaryo na may temang “Sustainable Salt Capital and Tourism Agri Hub” na ginanap sa bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro noong ika-2 ng Abril 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection ng naturang bayan at sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay sa pamumuno ni Punong Bayan Cesar M. Tria Jr. 

Nakilahok din sa aktibidad ang Magsaysay Municipal Police Station, MDDRM Office, at KABALIKAT CIVICOM na siyang nangasiwa sa pag-alalay para sa kaligtasan ng mga kalahok.

Naging tampok ang Color Fun Run na kinabilangan ng 3-kilometro at 5- kilometrong takbo kung saan kinilala ang tatlong nanalo sa dalawang kategorya, na may premyo mula sa Php1,000 para sa 2nd runner up, Php1,500 para sa 1st runner up, hanggang sa Php3,000 para sa pangkalahatang nanalo.

Ipinagkaloob din ang ilang espesyal na parangal sa mga kalahok, kabilang ang Early Birds Awards, Oldest Runner Award, at Youngest Runner Award, na may kasamang Php1,000 na premyo bawat isa.

Matapos ang mapanghamon na takbuhan ay nagsagawa naman ng Zumba activity kung saan aktibo ding nakilahok ang lahat.                                                                                                                                                                                                                

Ang Color Fun Run ay nagtataguyod ng magandang kalusugan pati na rin ang pagkakaisa ng bawat isa sa komunidad at nagpapakita ng kahalagahan ng bayan ng Magsaysay sa masiglang kultura.

Source: LGU Magsaysay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *