Pinangunahan ng LGU Candelaria ng Quezon Office of the Municipal Agriculturist ang Information Caravan on El Niño Mitigation Initiatives for Agriculture katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Barangay Buenavista East, Candelaria, Quezon para sa ikatlong pangkat ng mga magsasaka noong ika-20 ng Marso 2024.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga magsasaka mula sa Barangay Buenavista East at Buenavista West.
Nagsilbing tagapagsalita ang mga Technician ng Office of the Municipal Agriculturist na tumalakay sa El Niño Phenomenon at ang epekto nito sa agrikultura.

Tinalakay din ang iba’t ibang mitigasyon sa epekto ng El Niño sa pagtatanim ng palay, gulay, mais at paghahayupan at nagkaroon din ng pamamahagi ng IEC materials at binhing gulay.

Layunin ng isinagawang aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga magsasaka tungkol sa iba’t ibang pamamaraan upang maibsan ang epekto ng El Niño sa agrikultura.
Source: FITS Center Candelaria, Quezon